Michael Bul-anon

my official website and blogsite

Blog

MUCHACHA

Posted on November 2, 2010 at 4:33 AM

CARLA ; Isang magandang umaga!,mga ate at kuya bumili na kayo ng pampaganda, siguradong maganda kana magmumukha ka pang artista!!

ALING TORYA ; Eh Carla!,totoo ba yan?,baka naman hindi gaganda ang kutis ko nyan….

CARLA ; Aba! Aling Torya kahit menopausal ka na tiyak babalik ang dati mong ganda.,,

ALING TORYA ; Totoo ba yan?,baka naman mangulubot ang kutis ko nyan?....

CARLA ; Aba! Aling Torya,for your suggestion my correction to your explanation,bumili ka ng lotion,tiyak na ang balat mong mukhang luya magmumukhang kamatis na.!!!!

ALING TORYA ; Hala sige pabili nga ng marami at ang aking katawan eh,aking ibababad….

TINA ; Hoy! Carla don’t you know,,?? akin ang teritoryong ito?mula sa basurahang iyan hanggang sa basurahan dito akin yan…

CARLA ; Well!,well!,well!,pag ang dragon ba naman ay nagbuga.Kung ang basurahang mula dito hanggang dyan ay iyo,isaksak mo sa baga mo dahil ang lupang pinapatungan ng basurahan mo ay teritoryo ko.

NARRATION ; Yan si Carla at si Tina,halos araw-araw ay nagkakasalubong at nagbabangayan sa daan buti na nga lang at nandyan si Lola Scarlet upang umawat.

LOLA SCARLET ; Ala Eh!,tumigil na nga kayo dyaan, at kung hindi kayo tumigil eh,maghuhubad ako rito!!

TINA ; Maghunos dili ka Lola,hindi pa katapusan ng mundo,huwag kang maghubad!!

LOLA SCARLET ; Che!! tumigil ka Tina,may asim pa naman ako hindi ba.At ikaw naman Carla,magbihis kana at natanggap ka na raw sa pinasukan mong trabaho.

CARLA ; Talaga ho Lola,tanggap na ako sa ABS-CBN??.Wow!! mabubuang na ako day!!,artista na ako.Inggit si Tina,Eh kasi hanggang tindira lang sya,Eh ako,sisikat na yayaman pa…

LOLA SCARLET ; Ala eh!,nakakahiya ka Carla,hindi ka sa ABS-CBN natanggap,tumawag si Donya Ellesa,kulang daw sila ng maid kaya ka nakuha….

TINA ; Ahahahahaha…….artista daw ang churba???

CARLA ; Hey,care mo Day!!

NARRATION ; Isang malaking biyaya kay Carla ang matanggap sa trabaho,ipinangako nya sa kanyang sarili na pagbubutihin nya ito

CARLA ; Ito naba ang bahay ni Donya Ellesa,Wow, napakalaki at ang ganda-ganda!!.

NARRATION ; Kumatok si Carla sa pintuan at sumigaw sya ng gulat na gulat.

CARLA ; Ahhhhh,umalis ka dito magnanakaw ka.

DONYA ELLESA ; Hoy inggrata,anong karapatan mong tawagin akong magnanakaw,hmmmmm….sa ganda kong to..

CARLA ; Ay pasinsya napo kayo akala kopo kasi magnanakaw eh.Kayo ho ba ang maid dito,nasan ho ba ang Amo ninyo.

DONYA ELLESA ; Sinong maid at sinong Amo??? hmmmmm…

 

CARLA ; Ay hindi ho ba kayo ang maid dito,kung gayon sino ka

DONYA ELLESA ; Ako lang naman si Donya Ellesa de Gusman Escalante Vda de Victorias,ang nagmamay-ari ng bahay at lupa na kinatatayuan mo hmmmmmm.

CARLA ; Ay kayo po pala si Donya Ellesa, mano po Lola e-este Maam pala

DONYA ELLESA ; Hoy inggrata at sino ka namang babae ka hmmmmmm.

CARLA ; Ako lang naman po si Carla ,ang nag-iisa ang napaka-ganda ang napaka-sipag at napaka sexy nyong maid.

DONYA ELLESA ; Ah ikaw pala ang apo ni Scarlet ang aking Amega hmmmmm.Kung gayon pwede ka ng magsimulang magtrabaho

NARRATION ; At nagsimula na ngang magtrabaho si Carla.At sa isang buwan niyang paninilbihan ay natuwa at nasiyahan sa kanya si Donya Ellesa hanggang isang araw nakagawa ng kasalanan si Carla.Nabasag niya ang isa sa napaka-halagang florera ni Donya Ellesa

DONYA ELLESA ; Hoy, Carla,Ano itong ginawa mo hmmmm,hindi mo ba alam na regalo pa ito ng huli kung asawa hmmmm,lumayas ka at huwag mo ng ipapakita sa akin ang pangit mong mukha.hmmmmmm.

CARLA ; Pasinsya napo kayo Donya Ellesa hindi ko naman po sinasdya eh.Ikaltas nyo nalang po sa sahod ko kahit wala na akong pambiling make-up,lipstick,lotion,foundation,cologne wag nyo lang po akong palayasin Maam.

NARRATION ; At dahil sa sobrang sama ng loob ay pinalayas ni Donya Ellesa si Carla at kinimkim ang sama ng loob.At ng si Carla ay nag-aayos na ng kanyang mga gamit labis ang kanyang pagsisisi dahil napamahal na sa kanya si Donya Ellesa.

CARLA ; hu..hu…hu gosh dear mamimimis ko kayo,goodbye aparador,goodbye kama,huhuhu…..

NARRATION ; At ng si Carla ay papalabas na sa gate nakita niyang may isang taong pumasok kaya dali-dali syang nagtago at sinundan ito.Kumuha siya ng dustpan at walisat pumunta patungo sa lalaki at sumigaw siya ng malakas na malakas.

CARLA ; Hoy! inggrato,usesiero,ambisyoso,barko,baruto,hindi mo ba alam that this is private property and you are not allowed to enter???

NARRATION ; Hindi manlang nakaimik ang lalaki ng hinampas siya ni Carla ng dala-dalang dustpan at walis at tinuluyan pa iyon ng napakalaking vase sa ulo at hinimatay ito.

: Lumabas si D. Ellesa ng may dala-dalang “Shut-Gun”.

D. Ellesa : Saan….saan….saan ang magnanakaw hmmm??? nandito ako… Carla? Ikaw ba ang nagligtas ng buhay ko? Hmmmmm??

Carla : Aba opo… Nag-aral yata ako ng Tae Kwon Do

D. Ellesa : Maraming salamat sa’yo Carla…hmmmmm..Mula ngayon dito kana ulit sa akin. Aampunin nalang kita at ituturing na parang tunay na anak.

Carla : Talaga po? D. Ellesa? Maraming salamat po….

D. Ellesa : Pero teka lang, isang vase na naman ang nabasag mo?? Hmmmm…

Carla : Aaaa…eeeihhh..peace na tayo…..

Narration : Nag-aral at umahon sa buhay si Carla at dahil sa walang anak si D. Ellesa ay si Carla na rin ang nagging tagapagmana ng kaniyang mga kayamanan.


Kaya laging tatandaan na

Pagdating sa propesyon siya ang

DAKILA…


MUCHACHA

By: MICHAEL BUL-ANON

 


Categories: Declamation Pieces (Poems and others), Mga Sulat Ko (My Friends)

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

2 Comments

Reply BNHS - TE
1:10 AM on November 29, 2010 
yeah!! its nice
Reply Ghez
6:04 AM on November 25, 2010 
Love it funny....hahaha